Una sa Balita

Motornaper kalaboso sa Maynila

0 256

NABAWI ang ninakaw na motorsiklo ng isang pulis matapos na masita ang motornaper nito dahil walang suot na helmet, sa Sta. Mesa, Maynila kamakalawa.

Himas rehas ang suspek na si Mikhael Flores, 29, ng Sampaloc.
Ayon kay Police Capt. Jake Arcilla, commander ng V. Mapa Police Community, alas-11:15 ng umaga nang mamataan ang isang lalaking lulan ng motorsiklo na kahina-hinala ang kilos. Sinita ito ni Pat. Louie Rens Crisostomo dahil wala itong suot na helmet.

Bukod dito, wala ring naipakitang dri­vers license si Flores.
Nang beripikahin, dito na nadiskubre na pag-aari ni Pat. Christopher Diamzon, 31, ang dalang motor ng suspek.

Nabatid na nawala ang motorsiklo ni ­Diamzon noong Pebrero 10, sa JP Laurel St., San Miguel, Maynila.

Kaagad naman na ipina-blotter ni Diamzon ang insidente sa pagkawala ng kanyang Yamaha Mio sport na 125 CC na tumugma sa dala ng suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More