Una sa Balita

Motornaper huli sa Maynila

0 256

KALABOSO sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), ang 22-anyos na karnaper sa Tondo, Maynila.

Sinabi ni P/Maj. Rosalino Ibay Jr., hepe ng SMaRT sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10883 o mas kilala sa tawag na New Anti-Carnapping Act of 2016 ang suspek na si Angelo Alano.

Nabatid na alas-7:15 kamakalawa nang gabi, nitong nang arestuhin si Alano sa panulukan ng Lacson St., at Pacheco St. sa Tondo habang sakay ng kinarnap niyang motorsiklo.

Nag-ugat ang pag-aresto noong Enero 19 nang madaling-araw nang tutukan ng baril ng suspek ang biktimang si Daren Bandelaria, 32, cook ng Shangri-La Plaza, habang lulan ng isang Yamaha Mio Soul 125 na walang plaka at pag-aari ng isang Kristopher Parone, 39.

Kaagad namang nag-report ang dalawa sa tanggapan ng MPD-SMaRT dahilan para agad nagkasa ng follow-up operation.

Nang makita ang motorsiklo kaagad itong pinara dahilan para maberipika na ito ang hinahanap na carnap vehicle. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More