Una sa Balita

Motorcycle taxi, mas marami, mas masaya

0 430

Nagpahayag na ang Technical Working Group ng Department of Transportation na bukas eto sa panibagong anim na buwan na motorcycle taxi pilot run kasama ang mga bagong players.

Ang TWG ay binuo para pag-aralan ang posibilidad na gawing pampasaherong sasakyan, sa bisa ng isang resolusyon ng House of Represenatives. Ang ­resulta ng nasabing pag-aaral ay gagamitin sa pagbuo ng isang batas para amyendahan ang RA 4136 (Land Transporation Code) na nagbabawal sa paggamit ng motorsiklo bilang for hire public transport. Inaasahan din mula sa TWG ang paggawa ng mga rules & regulations para sa maayos na pamamahala ng mga motorcycle taxi.

Nag-umpisa ang pilot run noong Hunyo 2019 at magtatapos sa Disyembre 26. Sa loob ng panahon na ito, pag-aaralan ang ­viability ng motorcycle taxi operation sa bansa, hindi lang sa Metro Manila. Ngunit sa pilot run, tanging Angkas ang isinama sa pag-aaral. Noong panahon na iyon, Angkas lamang ang nagpapatakbo ng mga motorcycle taxi sa ­kabila ng kawalan nito ng permit mula sa LTFRB.

Ngayon, gusto ng TWG na magkaroon ng ­extension ang pilot run kasama ang iba pang grupo. Eto ay upang makita ang ­magiging ­operasyon ng ­motorcycle taxi kung may kompetisyon, na inaaasahang magdudulot ng mas magandang serbisyo sa mga sasakay.

Ang mga bagong grupo na tinutukoy ay ang ­Citimuber, JoyRide, MoveIt, EsetGo, Sakay, at VroomGo.

Tinutulan naman ng Lawyers for ­Commuter Safety and Protection (LCSP) sa isang petisyon sa Regional Trial Court ng Quezon City para sa isang ­Temporary ­Restraining ­Order and/or Writ of ­Preliminary ­Injunction laban sa balak ng TWG.

“At the outset, it should be pointed out that respon­dents commenced the roll-out of their motorcycle taxi business without any franchise from Congress or ­permit nor ­authority from the Department of ­Transportation (DOTr),” sabi ng kanilang petisyon.

Mukhang mali ang ­impormasyon nakuha ng LCSP, dahil wala pa sa ­nabanggit na mga grupo ang tumatakbo na ang ­operasyon at nagsasakay na ng pasahero, tulad ng ginawa ng Angkas. Sa mga nakausap nating grupo, ­napag-alaman natin na sila ay nagpapalista na ng mga rider bilang paghahanda sa posibleng pagsama sa kanila sa extended pilot run.

Makabubuti sa paggawa ng batas ang ­makita ang lahat ng posibilidad na mangyayari lamang ­kapag marami ang kasali. Dahil sa ibang grupo, ­lilitaw ang kumpetisyon sa singilan na malaking ­benepisyo sa mga ­sasakay, ­hindi ­katulad ngayon na may ­monopolyo. Dahil rin sa kumpetisyon, lalong ­magpapagandahan ng ­serbisyo sa mga sasakay.

Halimbawa ay ang ­helmet na ­nangangamoy kapag natuyuan ng pawis mula sa iba’t ibang ­pasahero. Malalaman natin sa gagawin ng ibang grupo kung papaano maiwasan o alisin ang pangangamoy ng mga helmet.

Maging ang insurance coverage, malalaman natin ang pinaka-optimum cove­rage na maibibigay ng mga kumpanya ng seguro.

Merong umiiral na requirements ang DoTr mula sa mga grupo ng motorcycle taxi group. Kung sinuman sa mga bagong grupo, kasama na ang Angkas, ang makakatupad sa requirements, dapat lang na ­kasama sila sa pag-aaral.

Sa bandang dulo, ang mga publiko ang makikinabang sa resulta ng ­pag-aaral, gaya ng sinasabi ng LCSP.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More