Una sa Balita

Motor vs kulong-kulong nagsalpukan, 1 nasawi

0 278

ISA ang patay habang lima ang malubhang nasugatan ng magbanggan ang motorsilo at ‘kulong-kulong’ sa national highway sa Barangay Pinto, Alfonso Lista, Ifugao.

Kinilala ng Alfonso Lista Police Station (ALPS) ang namatay na si Jayson Nibago, magsasaka, drayber ng motorsiklo ng nasabing barangay.

Samantala, kinilala ang mga su­gatan na sina Claire Mungiho, angkas ni Nibago at sakay ng kulong-kulong na sina Carlito Carlito Domingo, 23, drayber; Fredine Lagayon, Efren Cadiente at Marilou Cadiente.

Ayon sa ALPS, papauwi na umano sina Nibago at Mungiho at tinatahak ang kasalda na paliko ng bumulaga sa ang kulong-kulong na minamaneho ni Domingo.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtalsikan ang mga biktima ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente.(Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy