Una sa Balita

Motolite naglalaway kay Pablo

0 337

MATAPOS masungkit ang kanilang unang panalo sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference laban sa BaliPure Water Defenders 25-16, 25-21, 25-18, batid ni Motolite head coach Air Padda ang pagod na kanilang tinahak nitong nakalipas na linggo.

“I swear, I told them it feels, ‘It’s only been one week?’ Actually eight days but gosh it feels like a month,” wika ni Padda.

“I felt like we just played a month of games.”
Hindi naging madali para sa Motolite ang nakalipas na linggo dahil sa kanilang sunod-sunod na talo at nang ma-injure ang kanilang import na si Bosnian import Edina Selimovic na kinailangang palitan.

Nadagdag sa koponan ng Motolite si Trinidad and Tobago spiker Krystle Esdelle nitong Miyerkoles kung saan kakadating niya lang sa bansa nang araw na yon.

Dagdag pa sa dahilan ng Motolite ang hindi pa paglalaro ni team captain Myla Pablo na may iniindang lower back injury.

“[It’s] emotionally draining, physically draining, spiritually draining, mentally draining, and now, tomorrow, they can actually just take the rest that they need,” saad ni coach Padda.

“Hopefully, Myla will be back soon. And when she gets back I know she’ll help a lot.” (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy