Una sa Balita

Mother Lily malaki ang utang na loob kay Pitoy Moreno

By
0 3,326

Malungkot na ibinalita ni Mother (Lily Monteverde) bago ang premiere night ng Regal movie na Mama’s Girl sa Trinoma Cinema 7 nu’ng Lunes ang pagkamatay ng fashion designer icon na si Pitoy Moreno.

Hinding-hindi makalimutan ni Mother ang pagiging generous ni Pitoy nu’ng panahong hindi pa siya movie producer lalo na nu’ng ikakasal siya kay Father Remy (Monteverde). April 16, 1961 sila ikinasal ng asawa sa Lourdes Church sa Quezon City.

“That time, wala akong pambayad sa gown. Talagang si Pitoy, who made my gown and the whole entourage, only charged for me P1,500.00 lang. Bongga, ‘di ba? Pagkatapos, binigyan ko na lang ng post-dated check! Ha! Ha! Ha!” kuwento ni Mother.

“He’s a great man na hindi ko malilimutan ang tulong sa akin. Papadala tao ng bulaklak! I’ll pray for him. Very generous. Napakaganda ng gown na tinahi niya para sa akin,” dagdag pa ng Regal producer.

Namatay si Pitoy sa edad na 87. Walang detalye ng kanyang pagkamatay base sa reports ng ilang news program.

Sofia-Diego nakakakilig ang halikan

Samantala, sobrang touched din ni Mother nang mapanood ang Mama’s Girl. Ang galing-galing kasi ng buong cast lalo na si Sylva Sanchez. Hindi ito sobrang preachy pero maraming matututunan ang mga millennial sa aral na hatid ng pelikula.

Ibang treatment din ang ginawa sa movie ni Direk Connie Macatuno dahil fresh na fresh ang atake nito. Winner din ang script ni Gina Marissa Tagasa dahil may kurot sa puso ang mensahe nito at hindi kailangan maging sobrang drama para magpaiyak sa manonood.Ang husay rin ni Sofia Andres. Sumabay talaga siya sa pag-arte kay Sylvia lalo na nu’ng mahuli siya na kasama sa kuwarto si Jameson Blake! Sagutan talala sila ni Sylvia, huh! Palakpakan ang mga tao after that scene!

Kilig na klig din ang fans sa mga eksena nina Sofia at Diego Loyzaga. Hindi na nila mapigilan ang sumigaw nang maglapat na ang labi ng kanilang mga idolo!

Congratulations sa buong team ng Mama’s Girl!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More