Una sa Balita

Mother Lily at Direk Maryo nag-usap sa panaginip

By
0 2,979

Nag-alay ng dasal si Mother Lily para kay Direk Maryo J. de los Reyes bago nagsimula ang presscon ng Valentine movie ng Regal na My Fairy Tail Love Story last Monday sa Valencia.

Hindi basta mababale-wala ang pagmamahal ni Mother kay Direk Maryo na isa sa prized directors ng Regal. Beyond words ang friendship nila dahil hindi lang producer-director ang naging relasyon nila kundi mahigit pa roon.

Mother, elder sister friend, adviser at iba pa ang turing ng director kay Mother. Si Mother naman, bilang ganti sa kabutihan at kabaitan ng director, bukod sa pagmamahal, may mga materyal na bagay rin siyang ibinigay kay Direk Maryo gaya ng lote sa Pansol at condo unit sa Imperial Hotel.

Hindi lang si Direk Maryo ang nabiyayaan sa pagiging generous ni Mother. Maging ang yumaong director Lino Brocka ay natikman din ang pagiging matulungin ng Regal producer. Pati ang ibang artistang naging bahagi ng Regal Films ay nakatikim din ng kabutihan ni Mother.

Bago nga umalis si Direk Maryo papuntang Zamboanga, ayon kay Mother, ay nagkausap pa sila. Napanaginipan din niya ang director bago ito pumanaw at nag-uusap sila ng movies na gagawin niya sana sa Regal.

Sa lahat ng kabutihang ito ni Mother Lily, nanatiling tahimik siya. Never naman kasi niyang ipinamalita sa buong showbiz ang bawat tulong na naibabahagi niya sa mga taong mahal na mahal niya.

Kumbaga, ‘yung friendship nina Mother at Direk Maryo ay hindi matutumbasan ng anumang halaga. Kaya naman kung may puwedeng lapitan ang mga kapatid ni Direk Maryo sa ilang ari-arian naiwan, puwede silang makipag-ugnayan kay Mother Lily.