Una sa Balita

MOTHER LILY AT DIREK JOEL, NAGSIMULA SA MURAHAN…

By
0 3
Mother Lily
Mother Lily

Ang comedy movie na Woke Up Like This na tinatampukan nina Vhong Navarro at Lovi Poe ang susunod na ipalalabas ng Regal Entertainment Inc. sa mga sinehan.

Ang Woke Up Like This ang biggest break ng direktor na si Joel Ferrer na nakilala namin nang dumalo siya sa tribute kay Mother Lily Monteverde ng Film Development Council of the Philippines noong May 12.

Bagay kay Joel na gumawa ng mga comedy mo­vie dahil natural na nakakatawa ang mga hirit niya nang magbigay siya ng mensahe para kay Mo­ther Lily.

Bukod kay Joel, dumalo rin sa FDCP tribute kay Mother Lily ang mga direktor na sina Joel Lama­ngan, Maryo J.delos Reyes, Jun Lana at Perci Intalan.

Nagbigay rin ng funny message si Joel Lama­ngan na binalikan ang nakaraan, ang unang beses na pagtatrabaho niya sa Regal Entertainment Inc. noong 2001 bilang direktor ng Hubog, ang launching mo­vie ni Assunta de Rossi.

“Ang unang experience ko kay Mother, matapos kong lumabas sa isang studio, inaway ako ni Mo­ther. Minura-mura niya ako sa isang restaurant. Well, hindi ko naman ‘yon tinake sitting down, sinagot-sagot ko din siya.

“At that time, sabi ko, sayang hindi na ako magiging Regal. So nu’ng nag-usap kami ni Mother, naiyak ako sa kanya kasi nag-sorry siya, nag-sorry ako. May in-offer sa akin na pelikula, maganda, Hubog na una kong dinirek,” ang kuwento ni Joel na nagsabi na hindi magiging kumpleto ang kasaysayan ng pagiging direktor niya ng pelikula kung walang Regal, kung walang Mother Lily at kung walang Roselle Monteverde.

“Dahil sa kanila, nabuo ang aking desire na ma­ging direktor ng maraming produksyon na gusto kong pagtrabahuhan, isa na ang Regal na hindi ko makakalimutan, lalo na si Mother na talagang mother sa amin,” ani Joel.