Una sa Balita

Mother Lily, Annabelle hiwalay sa premiere night

0 501

Parehong opening day kahapon ng “Unbreakable” ng Star Cinema starring Richard Gutierrez, Bea Alonzo and Angelica Panganiban at “The Heiress” ng Regal Entertainment starring Maricel Soriano and Janella Salvador.

Noong Tuesday, parehong nag-premiere night sa SM Megamall ang dalawang pelikula.

Of course, nasa “Unbreakable” si Annabelle Rama.

While waiting sa pagpasok sa cinema 1, nakita ng assistant ni Tita Annabelle si Mother Lily Monteverde.

“Tawagin mo, tawagin mo, sabay na kaming papasok,” sey ni Bisaya sa kanyang assistant, pero ang dialogue nito, “Ma’am Annabelle, siya po ang producer no’ng premiere night sa kabila, siyempre, doon po siya pupunta!”

Natawa na lang si Bisaya at nakalimutan nga niya na magkasabay nga pala ang premiere night ng “Unbreakable” at “The Heiress”.

Actually, friends sina Bisaya at Mother Lily. The best of friends talaga, kaya wish ni Bisaya na parehong maging successful ang “Unbreakable” at “The Heiress” dahil love niya ang Regal Entertainment producer.

Nang minsan nga na katsikahan ko si Bisaya, ni-remind pa na isulat ko ang movie ni Mother Lily dahil napansin daw ng kanyang kaibigan na puro Richard at Bea (at Angelica) ang sinusulat ko.

“Paano ko naman maisusulat ang ‘The Heiress’, hindi ko naman naiinterbyu ang mga artista nila,” sey ko na lang kay Bisaya.

Pero, ako talaga, wish ko na kumita lahat ng Pinoy films para maging masigla talaga ang local movie industry, huh!

Richard nasuklian sa kabaitan

Alam mo, Dondon, nakaka-happy lang na isa ka sa nag-support sa pa-block screening ko for “Unbreakable”.

Actually, gift ko bilang support kay Richard ang pa-block screening ko kagabi.

Pagdating talaga kay Richard, hindi ko ginawa ‘yon dahil sa publicist niya ako at ng kanyang pamilya, ginawa ko ‘yon dahil sobrang love ko siya at ang kanyang pamilya.

Hindi ko pa rin makakalimutan na noong nag-50/50 ako at naospital nang matagal noong year 2005, si Richard ‘yung very concerned sa akin.

Siya ‘yung nagkusang bayaran ang bills ko sa hospital (siyempre, pinag-usapan nila ‘yon ni Tita Annabelle), kaya nagulat talaga ako.

Dumating nga si Tita Annabelle sa ospital at sinabing, “Si Chard na magbabayad, huwag ka na mamrublema. Pero mag-extend ka muna ng isang araw, bukas ka na lumabas. Nasa out of town taping si Chard, hindi ko napapirmahan ang check!”

‘Di ba, Dondon, ang bait ni Richard!

So, kahit araw-araw pa ako magpa-block screening for “Unbreakable”, I’ll do it!

And yes, Dondon, while doing my column today, naiiyak ako kasi bumalik sa alaala ko ‘yung time na akala ko “the end” ko na!

Love you, Chard!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy