Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Most-watched TV show: Jessica kinabog mga kalaban sa rating, trending

0 290

Nangibabaw sa rating at pinag-usapan nang husto ang ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’, na napanood noong Jan. 22.

Most-watched TV program ito noong weekend, na nakakuha ng 16.2% people ratings base sa Nielsen Phils. TV Audience Measurement overnight Urban Philippines data. Ang mga katapat nito sa TV5 (Sing Galing Sing-Lebrity Edition, Rated Korina, Kagat ng Dilim) at A2Z (TV Patrol Weekend, Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, Maalaala Mo Kaya) ay nakakuha lang ng 2.1%, 1.3%.

Suportado rin ng mga advertiser ang nasabing Eleksyon 2022 TV special na hatid ng GMA News and Public Affairs at bahagi ng Dapat Totoo advocacy campaign ng Network.

Naging mainit na usapin din ang ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ online. Ang opisyal na hashtag nito (#JessicaSohoInterviews) ay nanguna sa trending topics ng Twitter hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Nanatili itong top trending topic sa Pilipinas hanggang Linggo at muling pumasok sa listahan noong Lunes ng umaga.

Sa Facebook, pumalo sa 4.1 milyon ang naging engagement nito habang may 3.6 million view ang livestream nito sa iba’t ibang GMA channels at pages. Humatak din ito ng libu-libong viewer sa TikTok.

Nanguna rin ang livestream nito sa YouTube at nitong Jan. 26, may mahigit 6 milyong views na ang nasabing video.

Umani rin ng magagandang reviews ang nasabing TV special kung saan buong-tapang na tinanong ni Soho ang mga nangungunang presidential aspirant tungkol sa mga kontrobersyang ibinabato sa kanila, ang kanilang paninindigan sa mga mahahalagang isyu, at ang kanilang konkretong plano kung sila ay manalo. May mga hindi rin inaasahang katanungan na binato si Soho upang mas makilala pa ng publiko ang mga presidential aspirant.

Sa Twitter, pinapurihan ni Richard Bolisay (@richardbolisay) si Soho at ang research team sa likod ng special: “Tinde ng research team ng #JessicaSohoInterviews!!!! Jessica Soho for Pulitzer Prize in Journalism!!!! ‘All it took for you to change your [political] stand is a Netflix movie.’ QUOTE OF THE YEAR madam pahingahin mo naman kami.”

Organisado rin daw ang pagtatanong ayon kay Jason Tan Liwag (@jaseybel): “Kudos rin to the #JessicaSohoInterviews team for not only the well-researched questions but also the order these questions are asked. They create escalating stakes and expose deeper inconsistencies. No politician must be left unchallenged after tonight.”

Say naman ni @richardmz13: “Jessica Soho and her team set a high standard for future presidential interviews & debates. This is just the beginning so the Filipino people should keep on monitoring and listening ’cause 2022 can MAKE or BREAK us. #JessicaSohoInterviews.”

Inimbitahan ng ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ ang limang nangungunang presidential aspirants base sa latest surveys. Apat ang tumanggap ng imbitasyon: sina Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Senator Panfilo “Ping” Lacson, Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, at Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo.

Ang espesyal ay ipinalabas din sa flagship international channel ng GMA na GMA Pinoy TV at simulcast din sa flagship AM station ng Network na Super Radyo DZBB 594khz at sa lahat ng Super Radyo stations nito sa buong bansa.

Magkakaroon ng replay ang ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ ngayong Linggo, Enero 30, sa ganap na 9:45 p.m. sa GTV.

Para sa karagdagang updates tungkol sa GMA Network, bisitahin ang www.gmanetwork.com at www.gtv.ph. (DS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.