Una sa Balita

Most wanted sa Pasay nalambat

0 537

NAARESTO ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isa sa ‘Most Wanted Person’ na matagal nang nagtatago sa batas kaugnay sa kinakaharap na kasong rape sa lungsod.

Sa pamamagitan ng warrant of arrest ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section at Police Community Precinct (PCP) 2 ng Pasay City Police dakong alas-10:30 nang umaga sa Tramo St. ang suspek na nakilalang si Nelson Claveria y Javier, 51-anyos, at naninirahan sa nasabing lugar.

Si Claveria ay may nakabinbing warrant of arrest na ipinalabas ni Pasay City Regional Trial Court Judge Tingaraan Guiling ng Branch 109 na may petsang Marso 15, 2007.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamatalang paglaya ng nabanggit na akusado. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy