Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Most wanted ng Davao del Sur nadampot sa Tarlac

0 43

INARESTO kahapon sa Tarlac City ang itinuturing na No. 2 most wanted sa Davao del Sur.

Kinilala ang suspek na si Rodel Umalay, 41, residente ng Bgy. New Cebu, Salup, Davao Del Sur.

Wanted si Umalay sa kasong murder.

Inaresto siya sa Blk 5, Brgy San Nicolas, Tarlac City kung saan siya lumipat at nagtago.

Sa bisa ng arrest warrant na inilbas ni Judge Magnolia C Velez Cayetano,Presiding Judge, RTC, Branch 2 Digos City, Davao Del Sur, natunton at nadampot ang suspek.

Hawak ngayon ng mga pulis sa San Vicente, Tarlac City si Umalay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.