Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Most wanted’ ng Calabarzon, dakma sa Cotabato

0 140

Naaresto ng mga awtoridad sa Midsayap, North Cotabato ang most wanted person ng Calabarzon na may siyam na arrest warrant.

Dinakip ang suspek na si Mark Anthony ‘Ricky’ Sison, sa bisa ng mga warrant of arrest para sa kasong 9 counts ng murder at direct assault.

Siya ang itinuturong lider ng notoryus na ‘Pogi Sison’ criminal group na sangkot umano sa maraming pagpatay, gun-for-hire, pagbebenta ng iligal na droga, robbery-holdup at extortion sa Biñan City, Laguna at ilang lalawigan sa Calabarzon.

Ayon sa ulat, kabilang umano sa mga pinatay ng grupo ni Sison ay anim na pulis na nakatalaga sa Biñan City.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.