Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Most wanted na ex-pulis bulagta

0 160

Patay ang dating pulis at number 2 most wanted person ng San Rafael, Bulacan matapos ang naganap na engkwentro laban sa mga tauhan ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) Huwebes ng hapon sa Flordablanca, Pampanga.

Kinilala ni Police Brig. General Jonnel Estomo, Director ng PNP-AKG, ang napatay na suspek na si dating PO2 Rolando Basmayor Jr., na nadismis sa serbisyo noong 2018.

Sa ulat, isinagawa ang operasyon ng PNP-AKG Luzon Field Unit at Floridablanca Police Station, alas-12:50 ng hapon sa Barangay Sta. Monica, Floridablanca, Pampanga, matapos ang pagsisilbi ng alias warrant laban sa suspek dahil sa kasong murder.

Imbes na sumuko ay nanlaban umano at unang pinaputukan ng suspek ang aarestong kapulisan dahilan ng pagganti ng putok ng mga ito na agad ikinamatay ni Basmayor.

Napagalaman na si Basmayor ay kinasuhan ng murder matapos nitong pagbabarilin ng walang laban at mapatay si Jaypee De Guzman noong Pebrero 19, 2020 sa Barangay Sumanding, San Rafael, Bulacan. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.