Una sa Balita

Morrison umaasam sa Tokyo Olympics

0 318

NAKATUON si Fil-American William Morrison na makapagkuwalipika sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics at iuwi sa bansa ang pinakauna nitong gintong medalya sa kada apat na taong torneo.

Ang 30th SEA Games shot put gold medallist at record holder na si Morrison ay tatangkain sa unang pagkakataon ang kanyang silya sa Tokyo Olympics ngayong weekend sa pagsabak nito sa 2020 Athletic Meet sa Vanderbilt University sa Nashville, Tennessee.

Isa si Morrison sa mga Filipino-American na nagtatangkang makasungkit ng kani-kanilang silya sa Olympics kabilang sina Kristina Knott, Eric Shawn Cray pati ang ma­rathoner na si Christine Hallasgo.

Matatandaang nagawa ni Morrison iuwi ang ginto sa SEA Games sa inihagis nitong 18.38 metrong distansiya na mas mababa sa kanyang itinalang marka na Philippine national record na 20.40 metro. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More