Una sa Balita

Morrison may bagong PH record

0 233

KINAPOS si national athlete William Morrison III na masungkit ng silya sa 2020 Tokyo Olympic Games sa simula ng kanyang 2020 athletics season, nakuntento lang sa bagong national outdoor/indoor record sa sa 19.17 metro sa men’s shot put.

Kinatawan ang City of Indiana, nag-silver medal finish ang Fil-Am sa Vanderbuilt Invitationals na sa Nashville, Tennessee. Gold winner si David Plesh na nagtala ng 19.36m.

Katatanghal lang kay 6’foot-3 Morrison bilang unang Pilipino sa kasaysayan na nakaginto sa 30th SEA Games PH 2019 sa nasabing event sa 18.38M.

Ineklipsehan ng layo ang 16.74m ni Eleazar Sunang. Binura din nito ang dating SEA Games mark ni Chatchawal Polyam ng Thailand na 17.74m na itinala sa 2011 SEAG.

Ito’y tumakip din din sa national indoor record ni Jesson Ramil Cid na 11.35m nang magkampeon sa 2013 SEAG decathlon.(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More