Una sa Balita

Morris kontrabida ni James,

Celtics ininahan ang Cavs

By
0 1,076

MADALING ipaliwanag ang assignment ni Boston Celtics forward Marcus Morris: bantayan si LeBron James.
Mahirap, halos imposibleng gawin.

“He’s obviously the best player in the game,” bulalas ni Morris.

Binulabog nga niya buong gabi si James, pinuwersa sa playoff-high seven turnovers at playoff-low 15 points.

Umiskor pa si Morris ng 21 points at may 10 rebounds, nagpundar ng 21-point lead sa first quarter ang Boston para ilampaso ang Cleveland, 108-83, sa Game 1 ng Eastern ­Conference Finals series Linggo ng gabi.

Umayuda ng 23 si Jaylen Brown, may 20 si Al Horford sa Celtics na nagkasa ng 17-0 run para baligtarin ang 3-point deficit tungo sa 21-7 lead. Nang bumuka ang lamang sa 28, nilabas na ni Cavaliers coach ­Tyronn Lue si James may 7:09 pa sa laro.

Game 2 Martes ng gabi sa Boston pa rin.

Tumapos si Kevin Love ng 17 points at eight rebounds, nagdagdag si James ng nine assists at seven boards. Walang naipasok ang Cavs sa unang 14 na 3-point attempts. Na­iwan ang Cleveland, 61-35, sa half, biggest halftime playoff deficit ng ­career ni LeBron.

Nasa sidelines sina injured stars Gordon Hayward at Kyrie Irving, hindi nagpasindak ang Celtics kay James at sa team na tumalo sa kanila sa ­unang dalawang laro ng East Finals din noong isang taon.

Pumasok ang unang 3 ng Cavs mula kay Kyle Korver 9 minutes pa sa third pero 65-40 Boston pa rin ang count.

Pinangalandakan noon ni Morris na maliban kay Kawhi Leonard ay siya na ang pinakamatinding dedepensa kay James.

Binak-apan niya ang pagyayabang nang puwersahin si LeBron sa seven turnovers mula sa nine ng Cavs. Sa buong four-game sweep sa Toronto sa second round ay may eight total turnovers lang si James.