Una sa Balita

Morning show ng ABS-CBN ‘nagyabang’ sa katapat na show

0 681

Ngayong unang linggo ng Disyembre ay ipinagdiwang ng morning show ng GMA ang kanilang ika-20 anibersaryo.

Marami naman ang natuwa nang magpaabot ng pagbati ang Kapamilya morning show team na “Umagang Kay Ganda” sa kanilang karibal.

“Mula po sa pambansang morning show ng Pilipinas, happy anniversary Unang Hirit!” sabay-sabay na pagbati ng mga host mula sa “UKG” team na pinangunahan ni Anthony Taberna o mas kilala bilang Ka Tunying.

Sa una ay nakyutan ang mga fan sa pagbati ng “UKG” team sa kanilang rival show at sinasabing kay gandang tingnan ang healthy competition sa pagitan ng dalawang network.

Pero nang magpasalamat naman ang “UH” team sa “UKG” team ay tila binigyan ito ng mas malalim na kahulugan ng mga fan. Pinapalagay pa rin ang mainit na kompetisyon sa dalawang morning show.

“Nais nating pasalamatan ang isa sa mga bumati sa’tin, ang mga taga-UKG. Salamat!” sigaw naman ng “UH” team.

Pinansin ng mga netizen ang difference ng kanilang pagbabatian sa isa’t isa, na ‘yung isa ay may pagdiin pa sa pagsasabing “pambansang morning show” sila, samantalang ang isa naman ay simpleng pagpapasalamat lang ang sinabi.

Palagay ng mga netizen na ang isa ay nagyayabang samantala ang isa naman ay nananatiling humble. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More