Una sa Balita

Morissette nag-sorry, umamin sa kasalanan

0 644

Matapos pumutok ang isyu sa pagwo-walkout ng singer na si Morissette Amon sa birthday concert ng rising star na si Kiel Alo, kaliwa’t kanan ang mga tsika sa social media tungkol dito.

Noong nakaraang linggo nga lang ay nagbitaw ng pahayag ang manager ni Kiel na si Jobert Sucaldito. Nagtalo sa social media kung kanino nga ba ang simpatiya ng mga fan, kung kay Jobert ba na pinag-walkout-an o kay Morissette na nag-walkout dahil may mabigat na pinagdaraanan?

Anyway, sa gitna ng mga isyung ito ay lumabas na sa “ASAP” at “It’s Showtime” si Morissette kasama ang A1 member na si Ben Adams with all smiles.

Pero nitong Lunes ay binasag na ng singer ang kanyang katahimikan at nag-post ng kanyang pahayag sa social media tungkol sa isyung pagwo-walkout niya.

Aniya, matagal na oras ang ginugol niya para bitawan ang mga salitang dapat niyang ipaliwanag sa mga fan.

“Pls let me start by saying sorry. To Tito Jobert, and Kiel Alo who was celebrating his birthday concert at the Music Museum that night, what I’ve done was out of character but I still do take full responsibility. I guess I was also triggered by the surprise interview minutes before performing, regarding the issues between me and my family. This private matter is something I purposely did not want to openly share for fear that healing might not prosper between us,” sabi ni Morissette.

Sa pagpapatuloy ng kanyang pahayag, inamin niyang hindi naging fair ang kanyang naging reaksyon sa mga oras na iyon lalo’t hindi siya nagpakita on stage.

“I also want to apologize to Sir Mario Dumaual who, I was told, felt bad about the situation. I understand completely that he was only doing his job and values it as much as I do mine.”

Humiling din ng dasal ang singer mula sa mga fan na patuloy siyang sinusuportahan at nagpasalamat sa mga umunawa sa hindi inaasahang pangyayari. Na-appreciate raw niya ang mga fan na patuloy na minahal at sinuportahan siya sa kabila ng kanyang pinagdaraanan.

“I also want to bring to light the concern of many towards my emotional and spiritual well-being. As best as I can, I strive to achieve a sense of balance and stability.. I feel for all those who are going through the same thing and just want to remind you, as I have been reminded, that we are not alone. As Christmas is fast approaching, I am also reminded by the coming of our Lord and I am grateful for His love, kindness, forgiveness, and guiding hand in my life. Wishing you all and your families a happy blessed Christmas!” paalala pa ng aktres sa mga taong tulad niya ay may nararamdamang depresyon. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy