Una sa Balita

Morissette bet maka-duet ni Daren Dyhengco

0 383

Siguradong malulubos ang kaligayahan ni Daren Dyhengco, kung bigla na lang susulpot sa harap niya si Morissette Amon. Dream collab nga ni Daren si Morissette, at kung mabibigyan lang ng chance, gusto niyang maka-duet ito ngayong gabi sa concert niyang Daren D. Live in Concert, na gaganapin sa Music Museum.

Naku, rain or shine, tuloy na tuloy nga ang concert ni Daren ngayong gabi. Lalo na at nandito na sa Pilipinas ang karamihan sa mga mahal niya sa buhay, na ang iba ay galing pa talaga ng Canada, na kung saan ay doon nga lumaki ang binata.

“This is it! I never thought that I’d go back to just singing and pursuing my dream to be a pop star. This is surreal and such a dream come true. Thank you so much for the team who is making this happen,” sabi ni Daren.

Si Daren ay madalas na nagiging front act ng mga sikat na Pinoy performer sa Canada, na kung saan ay doon nga naninirahan ang kanyang pamilya. Pabalik-balik siya sa Pilipinas, pero kung mabibigyan ng pagkakataon na lumikha ng bonggang name sa ‘Pinas, hindi siya magdadalawang-isip na magtagal, o manirahan muna rito.

Anyway, guest ni Daren sina Janina Gonzales at Chad Angeles. Ang Daren D. Live in Concert ay prodyus ng MACV Enterprises. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy