Una sa Balita

Morente layas-La Salle, hambalos sa F2 ng PSL

By
0 349

HINDI masasaksihan ng DLSU community ang utility spiker na si Michelle Morente na magsuot ng De La Salle Lady Spikers jersey sa parating na UAAP Season 81 women’s indoor volleyball.

Ito ay dahil mas pinili niyang bumalik sa F2 Logistics Cargo Movers sa Philippine Superliga Grand Prix para sa pagkakataong makasilat ng kampeonato matapos matalo kontra sa Petron Blaze Spikers.

Sa report ng sports site na Tiebreakertimes, ipagpapaliban umano ni Morente ang kanyang paglahok sa susunod na season ng UAAP, na matatandaang lumipat mula Ateneo patungong La Salle makaraan ang UAAP Season 79.

Dahil naglaro sa UAAP beach volleyball, hindi na makikita ang anino ni Morente sa playing court bilang Lady Archer dahil tapos na ang playing years nito makalipas ang pagkasa sa F2 Logistics.

Nakumpirma ito matapos lumabas ang official lineup para sa PSL noong Sabado, makikita na kasama ang pangalan ni Morente para sa F2.