Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Moreno: Mananatiling malinis Bonifacio Shrine

0 167

Hinikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang nasasakupan na isapuso ang mga aral ni Gat Andres Bonifacio.

Ito’y sa paggunita ng ika-157 kaarawan ng bayani sa Kartilya ng katipunan,Bonifacio Shrine kasama si Vice Mayor Honey Lacuna at miyembro ng Manila City Council.

“Kung talagang mahal natin ang bansa, dito niyo ipakita sa panahon ngayon. Dito natin ipakita ang pagiging makabayan, tayo sa kanya-kanyang field of undertaking, sa kanya-kanyang obligasyon, sumipol tayo, galingan natin,” saad ng alkalde.

Gayundin, pinaalalahanan ni Moreno ang kabataan na hindi kailangan maging marahas at hindi kailangan gumamit ng dahas at labanan ang kapwa Pilipino.

Nangako din ang alkalde na hindi hahayaang madungisan ang Bonifacio Shrine hangga’t siya ang namumuno sa Maynila.

“Hangga’t ako ang alkalde sa lungsod, mananatili itong (Bonifacio Shrine) malinis, maayos,” ani Moreno. (Juliet de Loza-Cudia)”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.