Una sa Balita

MORE vs PECO sisiklab sa Kongreso

0 409

MULING dudulog sa Kongreso ang Panay Electric Company (PECO) upang mag-apply ng prangkisa matapos itong mapaso noong Enero 2019.

Matatandaang humirit din ng franchise extension ang PECO noong 17th Congress pero hindi ito inaprubahan.

Bagkus, ang prangkisa ng karibal na MORE Electric and Power Corporation ni business tycoon Enrique Razon Jr. ang inaprubahan at nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Pebrero.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11212, ang PECO ay magpapatuloy ng operasyon hanggang sa maitatag ang distribution system ng MORE sa Iloilo City.

Pinalagan naman ito ng PECO at umabot pa sa korte ang usapin. Sa kabila nito, nagbabakasakali pa rin ang PECO na makakuha ng panibagong prangkisa sa Kongreso.

Kamakailan lamang ay napaulat na maraming sunog ang sumiklab dahil sa mga poste ng PECO. Ngunit ayon sa nasabing kompanya, sinasabotahe umano sila pero wala namang ibinigay na katibayan.

Sa pagsasampa ng panibagong prangkisa, inaasahang sisiklab ang giyera ng dalawang kompan­ya sa committee hearing ng Kamara.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy