Una sa Balita

Moratorium sa taas presyo ng bilihin, hiling ipatupad sa ‘ber months’ 

By
0 108

NANAWAGAN kahapon ang grupong ‘Laban Consumers’ sa pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na magpatupad ng moratorium laban sa taas presyo ng mga produkto bago pumasok ang ‘ber months’.

Ayon sa convenor ng NGO at dating undersecretary ng DTI na si Vic Dimagiba, tumataas ang presyo ng mga bilihin tuwing huling quarter ng taon at bukod dito ay dapat ding isama ang mga agricultural product tulad ng baboy at manok kabilang na ang mga gulay na may suggested retail price (SRP) na dapat na bigyan ng price moratorium.

Sinabi ni Dimagiba, ito ang magandang timin­g dahil mataas and demand kaya’t ang tendency nito ay tataas ang presyo ng mga nasabing produkto, kabilang na ang galunggong na sobra-sobra na sa SRP.

Sa kabilang dako, igi­niit naman ni Stephen Cua, president ng Philippine Alamagamated Supermarket Inc., na hindi naman sila magtataas ng presyo kung wala umanong dahilan.