Una sa Balita

Morales numero uno sa ‘Top 10 Horse Owners’

0 220

NAMAMAYAGPAG si Narciso O. Morales sa “Top 10 Horse owners based on Wins and Placings” para sa buwan ng Hulyo.

Sa inilabas ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) na datos sa programa ng karera, nakapagtala si Morales ng 23 1st, 27 2nd, 25 3rd at 26 4th.

Nasa segundo puwesto si LM Javier Jr. na may 11 panalo, pitong 2nd, walong 3rd at limang 4th.

“Napakaraming ka­bayo kasi at magagaling pa kaya halos lahat ng entries niya ay tumitimbang,” hayag ni Carlito Lacson, veteran karerista. “Kahit mag-entry siya ng apat na kabayo tuwing araw ng karera ay kaya niya.”

Nasa pangatlong puwesto si Ed Gonzalez na may pitong panalo, tatlong 2nd, tatlong 3rd at isang 4th, pang-apat si JY Tionloc na nagtala ng seven 1st at isang 2nd.

Ang ibang nakapasok sa top 10 ay sina WM Afan Jr., (6-1st, 5-2nd, 5-3rd, 4-4th), Aristeo Puyat, (4-1st, 10-2nd, 4-3rd, 5-4th), MPL Trading, (4-1st, 4-2nd, 0-3rd, 2-4th), Hermie Esguerra, (4-1st, 1-2nd, 0-3rd, 1-4th), ML Sordan, (4-1st, 1-2nd) at FPP Crisostomo, (4-1st, 0-2nd, 0-3rd, 1-4th).

Samantala, nangu­nguna naman ang kabayo ni Morales na Trust Me para sa Top 10 Horses base sa kanilang Wins at Placings din, pangalawa si Señor Lucas na pag-aari ni Edward M. Diokno.(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy