Una sa Balita

Morales markado sa LBC Ronda Pilipinas

By
0 2,795

Markado si defending champion Jan Paul Morales ng Philippine Navy Standard Insurance sa pagsibat ng 8th LBC Ronda Pilipinas 2018, Marso 3 hanggang 18.

Magsisimula sa Vigan City ang padyakan at magtatapos sa Filinvest, Alabang, Muntinlupa City.

Idedepensa ni Morales, 32m ang kanyang titulo na nahablot sa 14-stage race sa nakaraang taon, inungusan ang mga kakamping si Rudy Roque at Cris Joven ng Phil. Army.

Outstanding favorite pa rin si Southeast Asian Games gold medalist Morales sa pinakamalaking karera ng bisikleta sa bansa.

Dalawang taon na ang nakalipas, nagkampeon din ang nakabase sa Calumpang, Marikinana si Morales at puntiryang maging most titled rider sa history ng Ronda, kaya tsansa na niyang maungusan si two-time winner Santy Barnachea na nagwagi sa inaugural stage nung 2015.

Ang ibang Ronda champions ay sina Irish Valenzuela (2012), Mark Galedo (2013) at Reimon Lapaza (2014) sa race na piniprisinta ng LBC at mga suportado ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

“Sana manalo ulit ako ngayong taon,” ani Morales.

Hindi na kasali sa team sina racing team captain Lloyd Lucien Reynante at Daniel Ven Carino, pero hinugot ng Navy si many-time Ronda King of the Mountain winner Junrey Navarro habang sinalang muli si Ronald Oranza sa team matapos lumiban sa nakaraang taon.

Bumubuo sa Navy sina Roque, El Joshua Carino, Jhon Mark Camingao, Ronald Lomotos at Archie Cardana.