Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Morales mag-resign ka na-Lorenzana

0 834

Mas makabubuti umano para kay Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) President Ricardo Morales na mag-resign dahil sa kundisyong pangkalusugan nito.

Inihayag ito ni Department of National Defense (DND) secretary Delfin Lorenzana, Chairman ng National Task Force Against COVID-19.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Lorenzana na kung siya ang nasa kalagayan ni Morales ay mag-resign na lamang sa puwesto dahil ang kalusugan na nito ang nalalagay sa peligro.

Hindi magagawa aniya ng ng maayos ang trabaho kung may mabigat na karamdaman kaya dapat na magpahinga at magpagaling si Morales.

“If I were him na confronted by that sickness that will incapacitate me to my job kahit na isang linggo lang o isang buwan, o anim na linggo, I think the best thing to do there para makapagpahinga siya o makapagpagaling ay magresign na siya,” ani Lorenzana.

Nauna rito, inihayag ni Morales na nag-file na siya ng medical leave dahil sa kanyang sakit na lymphoma at sumasailalim sa chemotheraphy.

Nasa hot seat ngayon ang Philhealth dahil sa kontrobersiya sa umano’y anomalya sa pondo ng ahensiya na iniimbestigahan ng senado at Office of the President. Senado tuloy ang imbestigasyon

Hindi titigil ang Senado sa pag-iimbestiga at paghahain ng kaso laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation.

Ito ang sinabi ni Senate President Vicente Sotto III matapos ihayag ni Morales na naghain na siya ng ‘leave of absence’ batay sa payo ng kanyang doktor.

Sabi naman ni Sotto, “That’s fine. It won’t stop our inquiry and other witnesses and testimonies from coming out.”

Ipagpapatuloy ng Senate committee of the whole sa Martes ang pagdinig sa alegasyon ng korapsyon na kinsasangkutan ng mga kasalukuyang opisyal ng PhilHealth.

“It won’t also stop the filing of charges against erring officials of PhilHealth if warranted,” dagdag nito. (Aileen Taliping/Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.