Una sa Balita

Morales kopo ang Ronda Stage 3

By
0 436

LALONG lumaki ang respeto ng mga ­foreign rider sa mga Pinoy nang sikwatin ni former two-time champion Jan Paul Morales ng Phi­lippine Navy-Standard ­Insurance ang Stage 3 ng 9th LBC Ronda Pilipinas 2019 kahapon na nagsimula sa Iloilo at natapos sa likuran ng Roxas City Hall sa Capiz.

Taas-noo si 2016-17 champion Morales at maging ang mga Pinoy fan matapos talunin sa sprint race ang mga ­katunggali.

“Masaya, first time kong mag-lap winner sa isang UCI (International Cycling) cycling event,” saad ni 33-year-old Morales. “Last 5 kms kami rumemate.”

Malaking grupo ng siklista ang humabol sa five-man breakaway, ayon kay Morales, sa huling limang kilometro ng laban sila nakadikit sa unahan kasama ang teammates na sina defending champion Ro­nald Oranza, Junrey Navarra at Rudy Roque.

Nakakita ng butas si Morales, nawala ang atensyon ng mga kalaban sa kanya nang uma­ngat sa unahan si Oranza sa huling dalawang kilometro.

“‘Yun talaga ang strategy namin, arangkada si Ronald, (Oranza) kung hindi abutin tuloy na, tapos ako dumaan ako sa bandang kaliwa,” kuwento ni ­Morales.

Kaskasan sa unahan sa huling 100 metro, ipinakita ni Morales ang tikas sa sprint upang u­ngusan si Dominic ­Perez ng 7-Eleven at Projo Waseso ng NEX Cycling team.

Nakapagtala si Morales ng apat na oras, 35 minuto at 18 segundo sa 179.4-km sa event.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy