Una sa Balita

Morales ‘di na-shock sa HK: Nabuwisit lang ako!

0 262

Walang naramdamang kaba o takot si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales nang harangin siya ng immigration authorities sa Hong Kong International Airport at pinagbawalang makapasok sa special administrative region ng China noong Martes.

Ayon kay Morales, inaasahan na niyang gagantihan siya sa ginawang pagsasampa ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping sa International Criminal Court, pero hindi niya akalain na sa Hong Kong ito mangyayari.

“I expected pero parang it was far-fetched, you know it could be a possibility, but it was far-fetched kasi Hong Kong nga yan eh, pero it turns out Hong Kong is regional administrative whatever of China,” wika ni Morales.

Matapos na harangin ng immigration authorities, dinala si Mora­les sa isang kuwarto at sinabihan na hindi siya makakapasok sa Hong Kong pero walang binanggit na dahilan. Saka lang sinabi sa kanya ng immigration personnel na ‘security threat’ daw ito.

“How do you call it if it’s not bullying? I think someone came up with a theory that shocked and awe daw. Hindi naman ako nasa-shock, ‘di naman ako na-awe. Nabubuwisit lang,”diin ni Morales.

Sa kabila ng kanyang pinagdaa­nan, tiniyak naman ni Morales na hindi siya aatras sa isinampang kaso laban sa Chinese president.

“That keeps us more resolved to pursue the case that brings the level of the case to crescendo. We will fight for the examination by the Office of the Prosecution of the communication that the ambassador and I filed,” ani Morales.

Kasama ni Morales na naghain ng kaso sa ICC si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

Kaugnay nito, isiniwalat din ni Morales na may tinitiktikan ang mga tawag at text message niya sa cellphone.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy