Una sa Balita

Moore isasahog ng TNT kay McDaniels

0 301

SI McKenzie Moore ang tinapik ng TNT KaTropa para itambal kay KJ McDaniels sa East Asia League Terrific 12 tournament sa Macau sa Sept. 17-22.

Si dating NBA player McDaniels, teammate dati ni Terrence Jones sa Houston Rockets, ang import ng TNT sa parating na season-ending Governors Cup na sisiklab sa Sept. 20.

Sa likod ni Jones ay umabot sa Finals ng Commissioner’s Cup ang TNT pero kinalos sa anim na laro ng San Miguel Beer.

Malamang magtagpo rin sa Macau ang TNT at SMB, ipaparada naman sina Dez Wells at Lester Prosper na ipinarada ng Columbian Dyip nitong midseason tourney. Si Wells ang reinforcement ng Beermen sa Governors Cup.

Ang 27-anyos na si Moore ay nag-laro Mighty Sports na kumopo sa titulo ng Jones Cup sa Taipei noong July.

Hanggang dalawang imports ang puwedeng iparada sa Macau tournament na paglalaruan ng 12 teams mula China, Japan, Korea at Pilipinas.

Pangatlong team sa Terrific 12 mula PBA ang Blackwater na sasandal kina Alex Stepheson at Aaron Fuller.

(Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy