Una sa Balita

‘Mooi G.’ ni Ai-Ai pa-misteryosa epek, bawal kausapin ng media

By
0 1,925

Bongga dahil tuloy-tuloy na talaga ang pagma-manage ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas. Bukod sa Ex-Battalion na sikat na sikat ngayon, at sobrang busy sa tambak na work na binibigay ni Ai-Ai, puro kababaihan naman ang tinutulungan niya ngayon.

Ang ‘Mooi G.’ ang bagong all-female singing­ group na bagong mga talent ni Ai-Ai. ‘Moowi’ raw ang tamang pagbigkas sa Mooi na Dutch word ng ‘beautiful’ at ‘G’ ang unang letra ng girl word.

May limang miyembro ang Mooi G., sina Red M., Peach B., Black G., Violet K. at Pink J. Ipinaliwanag ni Ai-Ai na matindi ang pangangalaga ng mga Mooi G. member sa kanilang private lives kaya mga kulay ang pinili nila na screen name.

Idea ni Ai-Ai na mga kulay ang gamitin na screen name ng Mooi G. para madaling matandaan ng publiko ang pangalan ng kanyang mga talent na pormal na ipakikilala bilang front act sa Kami ang ExB, ang 1st anniversary concert ng Ex Battalion sa July 14 sa Ynares Sports Center, Pasig City.

Ang multi-awarded na musician na si Jungee Marcelo ang composer ng Yass Call Me, ang debut single ng Mooi G. at si Ai-Ai ang gumawa ng 34-seconder teaser ng music video na nagkaroon ng official launch nung July 11, 3 pm, sa YouTube.

Maraming mga plano si Ai-Ai para sa talented members ng Mooi G. pero ibi-build up niya ang grupo na parang mga artista noon ng Seiko Films na napapanood sa mga pelikula pero hindi nakakausap ng entertainment press para mapanatili ang mystery nila.

‘Alaga’ ni Nico super in love kay Maine

‘#Patato so in love with @mainedcm.’

Ganiyan ang simpleng caption ni Nico Bolzico, ang mister ni Solenn Heussaff sa kanyang Instagram video na kung saan ay makikita si Patato, ang alaga niyang pagong, na kumakain.

Deskripsiyon ni Nico, carbo loading time raw ni Patato ‘yon, para mas lumaki pa ito. At pinipilit niyang magsalita si Patato, pero tila nahihiya raw ito dahil kasama nila si Maine Mendoza.

Dati raw ay madaldal si Patato, pero biglang nanahimik dahil kay Maine. Kaya ang suspetsa niya, sobrang in love si Patato kay Maine, ha!

Anyway, makikita rin sa Instagram stories ni Maine ang video na ‘yon ni Nico, ha.