Una sa Balita

Monty, skateboarding gusto good vibes lang

0 321

POKUS sa training ng kanilang mga atleta na sasabak sa 30th SEA Games si Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines Inc. (SRSA) President Monty Mendegoria.

“We are now ­focused on the SEA Games. Dami naming ­trabaho lalo na sa team. Mas gusto namin na maka­tulong sa bansa at sa kampanya para ­manalo kaysa bigyan ng negatibong imahe ang pambansang koponan natin,” sabi ni Mendegoria.

Kamakailan ay nagreklamo ang mga skater na sina ­Karla Robelo, Arianne Mae Trinidad, Julie Ann ­Gabas, Charles ­Louise Paje at Rodri Arthem Alvaro sa ­pamunuan ng ­Philippine Sports Commission sa pamamagitan ni ­Samahang Weightlifting ng ­Pilipinas President ­Monico Puentevella.

Ilan lamang sa inireklamo ang paraan ng pagpipili na isinagawa ng asosasyon para sa mga magrerepresenta sa mga event sa SEA Games.
Marami pang ­isinulat na reklamo kontra sa asosasyon ng skateboarding subalit agad itong niliwanag ni Mendegoria. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy