Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Montes kilos ‘first lady’ sa mga kaibigan ni Coco

0 221

Para sa amin, ang ganda ng tandem nina Coco Martin at Julia Montes sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Kung si Coco ang bossing ng production, si Julia naman ang first lady.

Habang abala si Coco sa mga technical at financial department ng shooting, si Julia naman ang naga-asikaso sa ibang cast.

Nagluluto, nagpapakain si Julia sa cast ng serye.

Nagpasalamat nga si Rosanna Roces sa Instagram post nito kasama si Julia. Nasa dining table sila sa photo posting ni Rosanna.

Nasa larawan si Julia, Joseph Marco at ibang cast.

“@montesjulia08. Maraming salamat sa napakasarap na dinner,” sabi ni Osang.

Kilala ng mga kaibigan, mga fan si Julia na mahilig magluto.

Oh di ba, ‘yung kakulangan ni Coco sa oras para makipag-bonding sa kanyang mga kasamahang artista, si Julia ang pumupuno.

Nakakakilig di ba?

Jeric pinaubaya na si AJ kay Aljur

Sa halip na murahin ni Jeric Raval ang mga basher ng anak niyang si AJ Raval, at ina nito, kaugnay sa akusasyong “syubit” o “kabit” ni Aljur Abrenica ang young sexy star ng Viva, kinatuwa pa ng 90’s action star ang nakukuhang atensyon nilang mag-ama.

Sa panayam namin sa Abantelliling kay Jeric, kung saan guest din si Baron Geisler para sa lalabas nilang movie na “Barumbadings”, masayang nag-iwan ng mensahe ang action star para sa mga bumabatikos at dumudurog kay AJ, na dinawit pa nga siya.

Sumisigaw pa si Jeric na nagpapasalamat sa mga basher dahil pinasisikat raw sila ng mga ito.

Tawa nga nang tawa ang aktor, na para sa kanya ay “good publicity” raw `yon. Naalala raw ng mga muli ng mga netizen ang pangalan niya.

At si AJ naman ay nakilala nang husto sa social media.

Nangangahulugan daw na mas maraming trabaho ang darating sa kanya at kay AJ, ngayong sikat na siya uli.

At kahit tutol man, wala raw magagawa si Jeric kung gugustuhin ni AJ na makarelasyon si Aljur. Close man silang mag-ama, wala raw siya sa posisyon para saklawan ang lovelife ni AJ.

Muli sinabi ni Jeric na kinausap niya si Aljur at sinabing ayusin ang gusot kay Kylie Padilla.

Leave A Reply

Your email address will not be published.