Una sa Balita

Monsour trabaho lang kahit inisnab ng POC

0 503

TRABAHO lang, walang personalan. Sa ganitong pananaw, itinatawid ni Makati Congressman at dating taekwondo champion Monsour del Rosario ang responsibilidad bilang Chef de Mission ng Team Philippines para sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Manila.

Sa kabila ng katotohanan na mistulan siyang ‘saling-pusa’ sa isinasagawang paghahanda ng Philippine Olympic Committee (POC) sa hosting ng biennial meet, iginiit ni Monsour na tuloy lang lang ang kanyang trabaho alang-alang sa tagum­pay ng atletang Pinoy sa biennial meet.

Nakatakda ang SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa tatlong venue – Subic, Clark Freeport at Manila.

“Sa totoo lang, wala akong pinanghahawakan na detalye, regarding sa preparasyon natin sa SEA Games. Hindi ko alam, dahil hindi naman ako isinasama sa kanilang mga meeting.

Ayoko naman na ipagsiksikan ko ang sarili, eh! Baka iba talaga ang diskarte ng bagong grupo sa POC,” pahayag ni Monsour, naging kinatawan ng bansa sa Asian Games at Olympics, sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabolid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy