Una sa Balita

Monsour tanggap ang pagkatalo

By
0 345

Mabilis na tinanggap ng dating action star-turned-politician na si Monsour del Rosario ang kanyang pagkatalo bilang bise alkalde ng Makati City.

Hindi nga pinalad si Monsour sa pagkakataong ito dahil tinalo siya ng kanyang nakalaban for Makati vice mayor na si Monique Lagdameo.

Naglingkod si Monsour sa Lungsod ng Makati bilang konsehal at congressman. Inamin naman ni M­onsour na malaking sugal ang kanyang desisyon na tumakbo bilang bise alkalde at maging running mate si Junju­n Binay. Dati kasing kagrupo ni Monsour ang nanalong mayor ng Makati na si Abby Binay pero dahil sa hindi mga napagkasunduan, tumiwalag si Monsour kay Abby at sumama sa grupo ni Junjun.

Pero maluwag sa dibdib ni Monsour ang pag-concede at heto ang kanyang mensahe sa lahat ng kanyang supporters sa Facebook:

“Magandang araw Makati. Ako’y taus-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat sa tiwala at suporta na binigay nyo po sa akin sa katatapos lamang na eleksyon. Isang karangalan po ang humarap sa inyong lahat at ipaliwanag sa inyo ang aming mga pangarap para sa First Class na Makati. Sa kabila po ng lahat, sana’y huwag niyo pong kalimutan na ako po ay naririto upang patuloy kayon­g tulungan. Patuloy din po akong maninindigan sa aking paniniwala na ang isang public servant ay dapat maglingkod sa lahat-kalaban man o kakampi sa pulitika. Sa ngalan po ng aming pamilya at staff, salamat Makati. Isang karangalan ang paglingkuran kayo.”

Nasabi rin ni Monsour na kapag wala na siyang posis-yon sa gobyerno, puwede na siyang bumalik sa showbiz. Marami nga raw siyang offers na lumabas sa teleserye, pero mga kontrabida roles ang binibigay sa kanya. Gusto sana niya ay mababait na role ang gawin niya dahil na rin sa pagiging public servant niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy