Una sa Balita

Monsalve-Uy asam ang doubles golf

By
0 279

Target nina Ryan Monsalve at Lanz Uy na masikwat ang unahan sa National Doubles Amateur Golf Championship na magsisimula ngayong araw sa Camp Aguinaldo Golf Club sa Quezon City.

Kinapos sina Monsalve at Uy sa overall crown nakaraang taon, yumuko kina Carl Corpus-Yuto Katsuragawa.

Inaasahang magi­ging intense ang laba­nan sa opening day, may four-ball (best ball) format bago ang play shifts para sa aggregate sa second day habang ang final round ay tampok ang two-ball, foursome (alternate shot) format sa tournament na inorganisa ng National Golf Association of the Philippines.

Sisimulan nina Monsalve at Uy ang kanilang title drive na kasama sina Ivan Monsalve at Gabby Macalaguim, pagkatapos ng grupo nina Aniceto Mandanas-Carlo Quimson at Paolo Wong-Don Petil.

Ang ibang ma­laki ang tsansang makadagit ng korona ay sina Gab Manotoc at Lester Lagman, father-son tandem nina Eddie Bagtas at Leandro Bagtas, kampihan nina Kristoffer Arevalo at Sharon Park, team nina Dan Cruz-Luis Guerrero at duo nina Rupert Zaragosa at Adrian Romero.

Kasali rin si Harmie Constantino, national team mainstay, kakampi nito si Joseph Orbito habang magsasanib puwersa sina Laurea Duque at Sunshine Zhang.