Una sa Balita

Mondilla markado sa Lipa

By
0 5

Pinaghahandaan ng ICTSI Players Championship ang Philippine Golf Tour finale na papalo ngayong araw sa Summit Point Golf Club sa Lipa, Batangas.

Markado sa event si money leader Clyde Mondilla, winner ng tatlong tournaments ngayong taon kasama ang ICTSI Rivera Classic ng PGT Asia Tour may dalawang linggo na ang nakaraan.

Liyamado si Mondilla sa 75-player field sa Summit Point.

Hindi kasali sina Tony Lascuna at Miguel Tabuena na naglalaro sa Taiwan Masters, pumapalo si Angelo Que sa Japan PGA Tour.

Salang agad sa Mondilla kasama sina Zanieboy Gialon at Jhonnel Ababa.

“Clyde has the edge on long courses because of his power. But at Summit Point, we’re pretty even off the tee, so I think it will boil down to who putts well in the end,” ani Gialon.