Una sa Balita

Mon Tulfo nagpiyansa sa libel case kay Medialdea

0 437

NAGPIYANSA ang kolumnistang si Ramon Tulfo sa kasong libel at cyber libel na isinampa sa kanya ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa Nov. 8 order na pirmado ni Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso, naglagak ng piyansang P60,000 si Tulfo.

Sa nasabi ring order, inutos din ni Judge Enciso ang pagbawi sa warrant of arrest na inilabas laban kay Tulfo at sa pagtalaga ng arraignment sa Nov. 26, sa alas-8:30 ng umaga.

Nauna rito ay nagsampa ng kaso si Medialdea laban kay Tulfo sa serye ng kolumn na inilabas sa The Manila Times na umano’y nakasira sa kanyang malinis na pangalan.

Tahasang itinanggi ni Medialdea ang mga akusasyon at sinabing wala siyang inilabas na memorandum na nagpapabor sa PHISGOC, at sinabing ang apela ni Felicito Mejorada ay naaksyunan sa loob ng tatlong buwan.

Itinanggi rin ni executive secretary na kakilala niya si Garol, na ayon sa rekord, ay isang project development officer II sa ilalim ng Office of External Affairs-Davao noong Agosto 1, 2005.

Kinakaharap din ni Tulfo ang kasong libel at cyber libel mula sa mga ibang government official, kasama na ang Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay at dating Justice ­Secretary Vitaliano Aguirre.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy