Una sa Balita

Momoland Nancy busangot sa tabi ni Liza

0 560

Matagal nang napagkukumpara ang dalawang sikat na personalidad mula Korea at Pilipinas na sina Nancy ng Momoland at Liza Soberano na Kapamilya star.

Marami kasing anggulo si Liza na minsan mukhang Amerikana, minsan naman mukhang Koreana. Depende sa ayos, pero sa madaling salita, maganda talaga si Liza.

Ngayon naman, kumakalat sa social media ang litrato na magkasama si Liza at Nancy, which is hindi talaga naiwasan ng mga fan na mapagkumpara lalo ang dalawa. Parang dalawang langit na pinagtagpo, ‘ika nga ng mga netizen.

Pero ang iba namang fan ay ayaw magpatalo at sinasabing mas maganda pa rin si Liza dahil kapansin-pansin na super aliwalas ng ngiti ng aktres, samantalang si Nancy ay hindi nakangiti o naka-fierce look.

Ipinagtanggol naman ng ibang Momoland fan ang kanilang idolo na kaya raw hindi ngumiti si Nancy ay dahil ‘yun ang uso ngayon sa kanilang mga Koreana, ‘yung fierce na awra. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More