Una sa Balita

Mommy tinangkang gahasain naligtas ni baby

0 565

BUKING ang planong panggagahasa ng isang helper sa isang ginang nang magising at umiyak ang sanggol sa tabi ng huli, na naging dahilan para mahuli ang suspek, sa Valenzuela City kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ang suspek na si Lavin Ian Javier, 26-anyos, ng Pebolonia Street, Brgy. Isla ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ng biktima, na itinago sa pangalang Thelma, 26, sa Women and Children’s Concern Desk (WCPD) ng Valenzuela Police, ala-una nang madaling-araw, mahimbing ang pagkaka-tulog nito katabi ang walong buwang sanggol nito.

Naalimpungatan umano ito nang maramdaman na may lu-malamas sa kaliwang dibdib niya at ang isang kamay naman ng la-laki ay dahan-dahang ibinababa ang panty nito hanggang tuhod.

Hindi pumalag si Thelma sa pag-aakalang live-in partner nito ang katabi.
Hanggang sa magising ang sanggol at nag-iiyak, kaya tumayo ang ginang at binuksan ang ilaw, pero laking gulat nito na ibang lalaki ang nasa loob ng kuwarto.

Nagsisigaw ang babae na nakatawag pansin sa kanyang live-in partner na si Rey na nakikipagsugal sa kabilang bahay.

Agad na tumakas si Javier, gayunman natunton ito ng mga kapitbahay na tumulong sa paghahanap.

Dinala sa presinto si Javier na nahaharap sa mga kasong attempted rape at trespass to dwel-ling. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy