Una sa Balita

Mommy Tiger ng Cebu kinatatakutan sa ‘The Clash’

0 259

abante-i-know-better-jun-nardoWalang tapon sa ipinakilalang Top 11 Clashers na nagpaandar sa harap ng entertainment press nung presscon nila last Wednesday sa GMA Executive Lounge. Bale 12 silang lahat pero may sakit ang isa kaya 11 lang ang napakinggan ng press na kumanta.

Napanganga at palakpakan ang press sa kanila. Naging instant favorite nila ang 50 years old na si Esterlina Olmedo na tinaguriang Mommy Tiger ng Cebu. At her age, birit kung birit ang pagkanta niya ng Sayang Na Sayang ng Aegis band, huh!

Ang finalist na si Mirriam Manalo, ang Fierce Diva ng Pampanga, ay nabuntis habang kasalukuyan ang labanan. Luma-lounge singer ang boses kaya nakaaliw siyang pakinggan.

Hindi naman nasayang ang biyahe ng Singing Sweetheart ng USA na si Mika Gorospe dahil naka­bilang siya sa Top 12 ng contest. Passable rin siyang maging artista kaya kung sakaling hindi siya palarin eh may fall back siya.

Matapos mapakinggan ang 11 finalists, hindi kami nagtaka kung sumasakit ang ulo ng mga judge ng show na sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai-Ai delas Alas sa pagpili ng cham­pion. Ayon nga kay Ai-Ai, sa finals night, bakulawan na sigurado ang gagawin nila para makuha ang title na unang The Clash winner!

Ang iba pang finalists ay sina Anthony Rosaldo, Matinik na Heartthrob ng Valenzuela; Melbeline Caluag, Belter Babe ng Bulacan; Garrett Bolden, Tower of Power ng Olongapo; Kyryll Ugdiman, Millenial Chick ng Iloilo; Lyra Micolob, Soul Sistah ng Davao; Danielle Ozaraga, Sultry Biritera ng Cebu; Golden Canedo, Golden Girl ng Cebu; Jong Madaliday, Ang Trending R & B Star ng North Cotabato at Josh Adornado, ang Cute Crooner n Cagayan de Oro.

Ayon sa host ng The Clash na si Regine Velasquez-Alcasid, “Sa akin, they should take care of themselves and always choose a good song. And you know while they are here, I want them to put their hearts in every performance they do kasi that’s what’s going to make them stand out!”

Napapanood ang The Clash tuwing Sabado at Linggo at isang milyong piso, brand new car at Bria house and lot ang premyo ng mananalo.