Una sa Balita

Mommy ni Tony may karelasyong Azkals player

By
0 2,341

abante-anything-goes-jun-lalinAng mag-inang Angel Jones at Tony Labrusca ay nakita ko sa isang coffee shop sa may ABS-CBN compound noong Tuesday night.

Kasama ko naman that time si Annabelle Rama at ang kumare niyang balikbayan na si Mary Ann Opeña.

Kasama ng mag-ina ang co-manager ng anak na si Mario Colmenares (pinsan siya ni Angel Locsin na nakikipag-co-manage ng mga talent sa Star Magic), kaya ipinakilala nito sa amin sina Angel at Tony.

Biniro ko ang mag-ina na hindi matandain dahil ilang beses na akong naipakilala sa kanila at nakasama ko na sila sa isang event sa Trinoma mall.

“Hindi po, I remember you po,” sagot naman ng leading man ni Angel Aquino sa digital movie na Glorious.

Natuwa si Bisaya kay Tony at biniro pa kung nasaan ang girlfriend nito na si Angel Aquino at napangiti ang binata at sinabing in love ang character niyang si Niko kay Glory (cha­racter ng aktres sa pelikula), pero in real life, walang “something” sa kanila.

Naikuwento rin ng nanay ni Tony na requested ni Angel sa Glorious ang kanyang anak kaya nag-audition ito for the role of Niko at ito nga ang mapalad na napasama roon.

Inusisa ko nga pala ang nanay ni Tony kung totoong based sa buhay niya ang Glorious?
May karelasyon kasing Azkals player si Mommy Angel, ang Filipino-Italian na si Simone Rota.

“Hindi naman sa buhay ko based ‘yung Glorious. Hindi naman ganoon kalaki ang age gap namin (ni Simone). Seven years older lang ako sa kanya,” at sinabing 40 years old na siya.

Sixteen years si Mommy Angel nang mabuntis siya ng tatay ni Tony na si Boom Labrusca.

“I gave birth to Tony noong 17 years old ako and he’s 23 years old na,” sabi pa ng nanay ni Tony.

 

 

BF ni Pops buking sa ‘Magandang Buhay’

 

Very proud ang original Concert Queen na si Pops Fernandez at may Twitter account na raw kasi siya.

Sinasabihan nga ni Pops ang mga malalapit sa kanya na i-follow naman siya (@MsPopsFernandez).

Hindi pa nga raw siya masyadong marunong mag-tweet.

Private ang account ni Pops, kaya kailangang mag-follow request kayo at ia-accept naman niya.

That time na nag-follow ako sa kanya, konti pa lang ang mga follower niya.

“I have three followers at isa ka roon,” natatawang sabi ni Pops.

Sa ngayon, she has less than 40 followers.

Anyway, on Wednesday, birthday na ni Pops at sa Thursday, magte-taping siya para sa Magandang Buhay at binibiro ko siya na baka mabuking na roon kung sino ang boyfriend niya.

“Pero I have no boyfriend talaga, kaya walang mabubuking!” paniniguro naman niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy