Una sa Balita

Mommy Divine tinawag na baliw ni Matteo

0 1,529

Sumbong ng bodyguard ni Sarah

Tinawag umanong baliw ni Matteo Guidicelli si Mommy Divine, ang biyenan nito na ina ng asawang si Sarah Geronimo.

Ito ang bahagi ng rebelasyon ng ­security detail ng Popstar na si Jerry ­Tamara nang dumulog sa “Raffy Tulfo In Action” upang ireklamo ang umano’y pananakit ni Matteo nang mangyari ang secret ­wedding sa Taguig.

Ayon kay Tamara, nagpupumilit umano si Matteo na pumasok sa silid kung saan nag-uusap sina Mommy Divine at VIVA Entertainment boss Vic del Rosario na dumating sa venue para payapain ang ina ng Popstar.

Salaysay ni Tamara, nakaantabay siya sa pintuan ng kuwarto nang lapitan ni Matteo.

“‘Di ba nag-usap pa po ‘yung Boss Vic saka si Ma’am Divine? Nasa labas po ako. Si Sir Matteo, lapit nang lapit sa pinto, gustong pumasok,”

salaysay ni Tamara kay Raffy Tulfo kahapon, Pebrero 24, 2020, sa 8:42 mark ng YouTube video.

“Ang sabi ko, ‘Sir, nag-uusap pa po ‘yung dalawa.’ Tapos may binitawan siyang pa­ngit na salita kay Ma’am Divine. Sinabi niya sa’kin na ‘‘Yung mommy ni Sarah, baliw ‘yan, baliw,’” pahayag pa ni Tamara.

Maging ang ama ni Sarah na si Daddy Delfin ay hindi nakaligtas umano kay Matteo.

Hinamon din umano ni Matteo ng suntukan ang tatay ni Sarah.

Umawat umano siya nang nakikipag-away na si Matteo kay ­Mommy Divine na hindi natuwa sa sorpresang kasalan.

Sa nasabi aniyang tagpo ay pinuntirya ng aktor ang tatay ni Sarah na si Daddy Delfin.

“Nagsabi po ako, ‘Sir, dapat hindi mo ginaganyan kasi magulang pa rin ni Ma’am Sarah ‘yan.’ Tapos ­maya-maya sir, umalis na naman siya. Tapos maya-maya, ‘yung tatay na naman ni Ma’am Sarah ang pinagdiskitahan niya,” lahad ni Tamara kay Tulfo sa pana­yam noong Pebrero 24.

“‘O, nasa’n na ‘yung daddy ni Sarah?’ sabi niya (Matteo). Sabi ko, ‘Sir, parating na po. Hintay lang po tayo.’ Sabi niya, ‘pagdating nu’n, magsuntukan na lang kami,’” salaysay pa ni Tamara.

“Four times niya po niyaya ‘yung tatay ni Ma’am Sarah na magsuntukan na lang,” saad pa ng bodyguard ni Sarah.

Una nang itinanggi ni Sarah, ayon kay Boss Vic, ang nangyaring sapakan at may baril sa eksena. (RC)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More