Una sa Balita

Mommy Divine epal kay Boss Vic

0 1,578

Big deal pala sa mga magulang ni Sarah Geronimo ang ginawa ni Matteo Guidicelli sa concert ng pop star.

Sa Valentines’ Day concert kasi ni Sarah G. kasama ang Pinay legend na si Regine Velasquez ay hindi umano nagustuhan nina Mommy Divine at Daddy Delfin na si Matteo ang pinahawak ng boquet of flowers na ibibigay kay Sarah.

Sa “OMJ” radio show ni MJ Felipe sa dzMM ay nilantad nito na hindi pala dapat si Matteo ang magbibigay ng bulaklak kay Sarah.

Sa dulo kasi ng concert ay umakyat sa stage si Matteo para abutan ng flowers si Sarah, ngunit ang origi­nal plan pala ay si Viva Entertainment boss Vic del Rosario dapat ang magbibigay nito.

“According to my source who was there sa backstage, nagalit daw, diumano, ang parents ni Sarah kung bakit daw si Matteo ang nag-abot ng flowers kay Sarah. Bakit hindi daw si Boss Vic or siguro, bakit hindi si daddy?” kuwento ni Felipe.

Ang nangyari daw kasi ay si Boss Vic talaga dapat ang mag-aabot ngunit nagparaya naman ito kay Matteo.

“Ang narinig ko, ang kuwento sa akin, si Boss Vic talaga ‘yung may hawak ng flowers, kaso kasi si Matteo was nakaupo sa harap ni Boss Vic. Ang ginawa daw ni Boss Vic, inabot ‘yung flowers kay Matteo and allowed Matteo to hand the flowers kay Sarah,” aniya pa.

Ngayon ay happily married na ang dalawa sa isang secret wedding na kinagulat din ni Mommy Divine na hindi pala informed at tila naging wedding crasher pa sa kasal ng anak. (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More