Una sa Balita

Mommy Divine ‘di natuwa sa IG post ni Matteo?

0 1,459

May na-touch, pero meron din ang nagtataka at nagtatanong, bakit daw kailangan pang i-post ni Matteo Guidicelli ang tila professing of his undying love to her fiancée Sarah Geronimo?

At nakalagay rin ang message niya sa pamilya, lalo na sa mga magulang ni Sarah.

May nagtanong, “natuwa kaya si Mommy Divine sa pinost ni Matteo?” Bakit daw hindi na lang sa mismong mga magulang ni Sarah ito ipinahayag ni Matteo at bakit daw kailangan pang sa socmed, huh.

Hmmm… may punto rin ha. O baka naman talagang ganu’n na ngayon, ‘yung puwedeng sa personal na lang sabihin, idadaan pa sa socmed.

Lumabas lang daw na talagang may struggle at base rin sa naging post ni Matteo, tila lumalabas na hindi pa nagkakasama ang parehong pamilya nila.

Pero iba naman ang naging dating sa netizens. Ang daming kinilig sa post ni Matteo. Sabi nga sa nga comments, “Sana oil may Matteo.”

Bumilib din kay Matteo ang ilan sa netizens na ipinaglaban daw talaga nito ang relasyon kay Sarah.

Diamond Star title ayaw ipamigay ni Marya

Bilang “The Heiress” ang title ng bagong pelikula ni Maricel Soriano sa Regal Films ngayong November 27, natanong si Marya kung sino naman ang heiress niya o tagapagmana sa mga artista ngayon.

Instead na isa sa mga young stars ngayon, ang pamangkin na si Meryll Soriano ang mabilis nitong sinagot.

“I think it’s my pamangkin, Meryll,” sabi niya.

“At saka mabait na bata ‘yun.”

May nagsabing mas marami na raw yatang acting trophy ang pamangkin sa kanya. Nakangiting, “hindi naman,” na kontra ni Maricel.

Pero sabi niya rin, “Happy ako sa kanya.”

Si Janella Salvador ang “heiress” ni Maricel sa movie bilang isang mambabarang. Tinulungan daw niya ito sa umpisa na mawala ang ilang sa kanya.

“Ni-relax ko muna siya, kinausap ko nang kinausap at pinatawa. Tapos sabi ko, o, okay na ha? Sabi niya, ‘opo Tita.’”

Nagkukuwento na rin daw ito sa kanya pero siya raw, hindi raw siya nagtatanong nang personal.

“Alam mo, I don’t ask very personal questions. Pero siya, of course, I said that your secret is safe with me.”

Ang “The Heiress” ang horror movie ng Regal Films na intended sana for 2019 MMFF, pero hindi ito pinalad na makasama.

Sabi naman ni Maricel, “Alam niyo, naniniwala ako na may plano si Lord sa pelikulang ito.

“Pero lahat kami rito, bago mag-shoot, nagpi-pray kami. Kasi, ito ‘yung parang may something sa set, so we really pray.”

Ang “The Heiress” ay sa direksyon ni Frasco Mortiz. Kasama rin sina Sunshine Cruz at McCoy de Leon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy