Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mommy Caring kakaripas uli

0 76

MULING masisilayan ang husay ni Mommy Caring pagsabak sa 2021 P1.2M Lakambini Stakes Race ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Rerendahan ni Lester F De Jesus, galing sa impresibong panalo ang kabayo sa 2021 Philippine Racing Commision-Philippine Sportswriters Association Stakes Race sa nasabi ring karerahan noong Noyembre 8.

Mapapalaban si Mommy Caring kontra sa pito pang kalahok sa event na inisponsoran ng Philracom sa pamumuno ni chairman Aurelio De Leon.

Kasali rin sa event na may P1.2M top purse sina O Sole Mio, Kevlar, Flattering You, Isla Puting Bato, La Liga Filipina, Shanghai Silk at All Too Easy. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.