Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Molina reunited kay coach Shaq

0 224

SABIK nang muling makasama ni coach Shaq Delos Santos ang kanyang mga former player na sina Ces Molina at iba sa panig ng Cignal HD Spikers.

Kabilang si Molina sa bagong ‘alas’ ng Cignal na nagdagdag ng apat pang manlalaro kamakailan sa kanilang koponan.

Bukod kay Molina, huling lumaro para sa PetroGazz Angels, muling makakasama ni Delos Santos para sa HD Spikers sina Jerrili Malabanan, Gel Cayuna at Ria Meneses.

Ayon kay veteran mentor Delos Santos, “happy and excited to work with my former players, miss ko na sila ka-work on and off the court.”

Magugunita na tumapos ang HD Spikers noong 2021 Premier Volleyball League Open Conference sa ika-10th place ng torneo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.