Una sa Balita

Molina, Petron titirisin ang Marinera

0 346

Mga laro ngayon:

(Malolos Sports and Convention Center)

2:00pm — Cignal vs PLDT Home Fibr

4:00pm — Foton vs Sta. Lucia

6:00pm — Petron vs Marinerang Pilipina

HUHUGOT ng lakas si Petron head coach Shaq Delos Santos kina Rhea Dimaculangan, Ces Molina at Aiza Maizo-Pontillas pagharap ng Blaze Spikers sa nagkukumahog na Marinerang Pilipina Lady Skippers sa Philippine Superliga Invitational Conference.

Magsisimula ang bakbakan sa ala-6 ng gabi sa Malolos Sports and Convention Center. Malolos City.

Malinis sa tatlong laro ang Blaze Spikers, nasa pangalawang puwesto sila sa Pool C at kung sakaling manalo ay sasampa sila sa semifinals.

Pero kahit problemado ang Lady Skippers dahil wala pa silang panalo sa apat na laro, ay ayaw magkumpiyansa ni Delos Santos kaya sinabihan nito ang kanyang mga bataan na ibigay ang lahat ng lakas para makuha ang inaasam na panalo.

“I always tell our players to treat every game as if it is a title match.” hayag ni Delos Santos.

“Our game against Marinera will be very tough. We have to remember that they are a very dangerous team. They are playing with nothing to lose and everything to gain.”

Bukod kina Dimaculangan, Molina at Pontillas, kakapit din si Delos Santos kina Denden Lazaro at Remy Palma. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy