Una sa Balita

Moira voice coach si Mimiyuuuh

0 486

Pagdating sa suwabeng kantahan, in talaga ngayon lalo na sa mga millennial ang singing style ni Moira dela Torre. Masasabi pa ngang kanyang-kanya lang ang istilo ng pagkanta na ‘ika nga’y akala mo pampatulog, pero para ka namang idinuduyan sa alapaap.

Siyempre, maski patok ito sa mga music lover, ‘di pa rin ligtas si Moira sa mga mapanlait na netizen, na kesyo sinasabing parang lagi nga raw siyang kulang sa energy ‘pag kumakanta.

Kaya naman naisipan ng singer na humanap ng voice coach, at ito ay walang iba kundi si Mimiyuuuh. Seryoso ka, neng?! Hahahaha!
Eh mismong si Moira pa raw ang nag-text, nag-PM kay Mimiyuuuh para magpaturo rito ng “vocalizinationism” (wanku if may ganto talagang word sa dictionary, pauso rin kasi itong vlogger na itu!) para sa latest single niya na ­“Patawad”.

Haba na talaga ng hair ni Mimiyuuuh, ah. Siya na ang nilalapitan ng mga sikat para lang mapag-usapan. Iba ka!

‘Yan nga ang ­latest vlog ni Mimiyuuuh, kung saan siya ang nagturo kay Moira ng pro­per breathing, tamang pagkukulot ng boses (na expertise ng makulit na si Mimiyuuuh), pag-iwas sa pagiging monotone, nasal tone, etc. In fairness kay Mimiyuuuh, may ear siya for music ha, medyo dinadaan niya lang sa harot.

Natawa lang si Moira sa puna ni Mimiyuuuh na ang boses nito ay parang kulang sa nutrisyon, at wala raw tala­gang energy.

Tipong hirap na hirap naman kuno si Mimiyuuuh na turuan si Moira, at after nga ng vlog eh napasabi pa itong parang wala naman itong natutunan sa kanyang bagong voice coach.

“You are a rock star,” papuri naman ni Moira kay Mimiyuuuh.
Ang cute lang talaga ng collaboration at kulitan ng dalawa!

Sue pinasakit ang
puson ng mga yakman

Sanay na sanay mang-akit at magpasakit ng puson ng mga boylet si Sue Ramirez. Aba, Pebrero pa lang ay may preview na siya sa mga for sure ay patok na sexy photos niya sa Instagram.

“Brace yourselves for beach photos coming in the next few days. Good night, world! (peace sign emoji),” caption ni Sue sa video post nito.
Naka-neon green two piece bikini si Sue habang nakaupo at chill lang sa tila isang pump boat na lumalayag sa karagatan.

Sa titig pa lang ni Sue sa video, tiyak na mahuhumaling ka na, sabay unti-unting titi­ngin ito sa ibabang parte ng kanyang katawan…
bahagyang tila ibababa ang kapirasong tela na tumatakip sa kanyang “hiyas”… tapos, biglang pilyang hahagikhik. ­Pa-cute ka, girl!?
Tiyak na naglaway ang mga yakman at nanakit ang kanilang mga puson dahil nabitin sa pang-aakit ng “A ­Soldier’s Heart” actress.

Haist… please naman Sue, totohanin mo ‘yang mga payanig mo sa ­Instagram ah. Abangers kami diyan! Hahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More