Una sa Balita

Moira super iyak sa wedding proposal ni Jason

By
0 8,046

Dalawang slot ang nakuha ni Moira dela Torre sa Twitter last Sunday night, dahil sa pasabog niya sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda, kasama ang boyfriend niyang si Jason Marvin na first time niyang ipinakilala sa publiko.

Nag-number 4 ang #TagpuanMV o Tagpuan music video, ang latest single niya, dahil sa rebelasyon niya kasama nga ang dyowa niya.

Nag-number 6 din ang #GGVMoiravelations, at ‘yun nga ay ang laman ng music video ng Tagpuan.

Anyway, ang ganda nga ng music video ng Tagpuan na ang tema nga ay ang buhay ni Moira. Ipinakita nga ang lungkot sa buhay niya nung maghiwalay ang kanyang mga magulang.

Ipinakita rin na may lalake siyang kalambingan, bagama’t hindi muna ipinakikita ang mukha nito.

At sa bandang huli ay ipinakita na lumapit sa kanya si Jason. Sandaling nagngitian, tawanan, at kapagkuwan ay lumuhod na nga si Jason, inilabas ang singsing, at ‘yun na, inalok na ng kasal ang girlfriend niya. Mahigit isang taon na nga raw ang relasyon nina Moira at Jason.

“On a cliff at sunset, my best friend asked me the easiest question I have ever had to answer. I love you my @jasonmarvinph,” sey ni Moira.

“All my life I’ve been searching for ‘the one’ not knowing that she’s been my bestfriend all along. I love you forever my @moirarachelle4,” sey naman ni Marvin.

Well congratulations Moira, Jason.